May 13, 2015

Importante Nag Eenjoy Ka




Pagka gising na pag ka gising ko sa umaga syempre magdadasal muna tapos, laptop na agad hahanapin ko. Hindi pa nga ako nag mumumog o naghihilamos, magbubukas agad ako ng laptop para gawin yung website and presentations ko. 

Kwento ko lang sayo yung nangyari sakin nung gumagawa ako ng unang website at presentation ko.

Halos di na ako natutulog para lang tapusin yun. Mga 3-4

hours na lang ang tulog ko, minsan wala talaga, Literal.

Mas malaki na nga yung eyebags ko kesa sa mata ko eh. Haha. Pero alam mo, kahit buong araw akong nakababad sa laptop. Yung tipong masakit na yung likod ko at yung mata ko….


Di ako napapagod. Alam mo kung bakit? Enjoy kasi ako sa ginagawa ko. Kaya kahit parang ang hirap, sakin madali lang.


Tandaan mo to, kahit anong taas ng sweldo mo, o kahit anong ganda ng ginagawa mo, KUNG HINDI KA NAG EENNJOY, KONTING HIRAP LANG, MAPAPAGOD KA NA.


Tatanungin kita, nag eenjoy ka pa ba sa ginagawa mo? Kung hindi, pag-isipan mo ng mabuti kung itutuloy mo pa.


Kung oo, ako na mismong magsasabi na ituloy mo! 


Kung hindi, baka pwede kitang matulungan, message mo lang ako sa


Facebook:     Facebook.com/mariellasorio

 E-mail:            yellasorio@gmail.com

Click LIKE kung nagustuhan mo to and COMMENT kung may natutunan ka.



Your Friend To Success,