May 31, 2015

P-Noy Resign!!





Isa sa mga maiingay na balita ngayon ay may mga taong gusto nang pabababain sa pwesto si PNOY.Bakit? Dahil wala naman daw nagbago. Wala silang napala. Mahirap pa rin ang mahirap at ang mayayaman, lalong yumayaman.Pero isipin mong mabuti, dapat ba itong isisi sa gobyerno? Hindi ba't tayo naman ang gumagawa ng sarili nating kapalaran?


Walang nagbago. Dahil wala naman silang binago.Araw-araw pumapasok sa trabaho at umuuwing pagod. Hindi na nila nabibigyang pansin yung mga pangarap nila. O kung mangarap man, mababaw na lang dahil sa mga hirap na pinagdadaanan nila. 
Basta-basta na lang susuko at gagawing excuse yung salitang: "Kuntento na ako kung anong meron ako." Kung minsan naidadagdag pa yung: "Mahirap maging mayaman, baka maging masama lang ako at malunod sa kamunduhan."

Ang saklap hindi ba? Dahil nililimitahan natin yung sarili natin. Where in fact, we can do GREAT THINGS! Yun yung plano sa'tin ni God, ang maging successful at remarkable!

Pwede nating isisi ang pagiging mahirap natin sa kahit kaninong tao. Pero pwede din nating baguhin ang sarili natin. It's never too late to change for the best!

LIFE IS A CHOICE. Pwede tayong maging pinakamahirap kung gugustuhin natin, pero pwede rin tayong maging Pinaka successful na tao sa buong mundo.

You have no idea how great your life can be! Remember, you don't know yourself, only God do!

Thank you so much for reading! God bless!

Don't forget to LIKE and comment what you think about this blog post.


P.S. Visit and Like my page for daily motivational and inspiring photos/videos.


Mariella Alexandra Sorio

Your Friend to Success,