Sep 6, 2015

Law Of Attraction: The Secret


Nung isang gabi napanood ko yung ‘The Secret’. And yung secret na sinasabi doon ay yung LAW OF ATTRACTION. 

Para ma-achieve mo yung goal mo or yung pangarap mo, kelangan, iclaim mo na yung bagay na yun. Isipin mo na meron ka na nun.  

Halimbawa kotse, isipin mo na may kotse ka  na, imaginin mo. Tapos ifeel mo, dapat ramdam mo siya sa puso mo. Magugulat ka na lang na naattract mo na pala yung kotse na gusto mo!

Bigla kong naalala sa araw na to, yung iniisip ko, wayback nung 1st year high school pa lang ako.

Lagi kong iniisip noon na may banda ako kahit bata pa ako and iniimagine ko talaga yun at dinadama. 
Minsan nga pag ako lang mag-isa, kukuha ako ng bagay na pwedeng gawing mic, then kakanta ako. Tuwang tuwa talaga ako nun at ramdam na ramdam kong singer ako.

Kahit nga matutulog na ko iniimagine ko pa din yun eh.
Ngayon, singer na nga talaga ako ng banda. Hindi lang yun, natuto na din akong tumugtog ng instruments.

Napangiti ako nung naalala ko to, totoo talaga yung law of attraction! Basta maniwala ka lang at sabihin mo sa sarili mo na kahit anong mangyari, makukuha ko to!

Just believe in yourself, trust God, and you can attract your dreams!

Watch the Sneak Preview and I hope that you too will be uplifted by this beautiful movie.



Here is the First 20 Minutes of The Movie...